TOP FILMS I’VE WATCHED IN 2020 (2/2)

(UPDATED 07/10/2020) Jotting down the films I’ve loved for the rest of the year in the second part of the series (for Part 1, click here). Genre includes docu-films, history, drama, anything I feel like watching under the sun.

I’m switching back to watching series for the latter part of the year because I found out I missed out on a lot of good ones, so I’m dumping these films I loved and I urge everyone to take a look at them too.

Continue reading

My 2020 in books

Just keeping the 1 book a week rule, with approximately 50 books as my target goal by the end of 2020. I read them from cover to cover. ADDED: Check my book reviews by clicking the shortlink in the title.

January

1. Hamlet by William Shakespeare
2. Elon Musk by Ashlee Vance
3. The Everything Store: Jeff Bezos and the Age of Amazon by Brad Stone
4. The Origins of Political Order by Francis Fukuyama
5. The Prophet by Kahlil Gibran
6. Notes from Underground by Fyodor Dostoevsky

February-March

1. Fitness for Dummies by Schlosberg and Neporent
2. Running a Marathon for Dummies by Jason Karp
3. The Divine Comedy by Dante Alighieri*

Continue reading

Saan kaya ikaw humuhugot ng lakas?

‘Yung lakas na sinasamantala ang payapa ng gabing naglulukob sa dilim upang maagang bulabugin ang iyong diwa. ‘Yung lakas na nag-aaburido kahit kumikindat pa ang mga bituin mula sa siwang ng langit upang putokin na ang init ng aspalto na parang manipis na himpapawid. ‘Yung lakas na humahangos na pawang huling pagniniig sa isang pangakong pinagpapatuloy mong tuparin, o pagtubos sa pangako mong nabitin.

Idinidilig ng pawis ang alabok na kumakapit sa iyong balat sa pagwasiwas mo ng bisikleta sa daan. Kakarampot na sasakyan lamang ang nagbabaybay sa mga kalsadang ilang taon mo nang memoryado sa isipan, ngunit ipinupukol mo lamang ang iyong pagtingin sa harap.

Sa hinaharap.

Unti-unting sumisilip ang haring araw sa payapang umaga at kakila-kilabot na anino ang bumalot sa iyong tikas. Mabalasik ang iyong titig sa ilang kasabayang sinusundan mo at ika’y sinusundan — ngunit may iisang lugar kang nais puntahan na nakaukilkil sa iyong isipan.

Mahaba-haba ang magiging paglalakbay, tantsya mo pa na aabutin ka ng buong araw sa planado mong ruta. Ngunit para sa isang kaluluwang litong nag-aapuhap: kulang ang isang araw upang resolbahin ang mga damdaming naghahanap hindi ng paglimot kundi ng tiyak na kasagutan. Sumusulak ang mga naghahalo-halong emosyong ito na sinisikil mo sa iyong kalooban — dahil hindi na mga pangyayari ang iyong naaalala kundi mga damdamin na mula na sa napakalayong panahon.

Gaano mo man paulit-ulit na ipukol sa hangin o sa buwan ang mga kahilingan para sa mas maayong kinabukasan, isisigaw lamang sa iyo ito ng mga dingding pabalik.

Hindi bale — sumugal ka lang sa malawak na kalye, kahit na wala kang planadong ruta sa isipan. Nariyan ang kalangitang nagsisilbing testigo sa maraming oras na inilaan mo sa pagbabanat ng buto at pagpupunyagi ng sarili hindi lang upang magpalakas ng katawan kundi upang hanapin ang sariling katubusan. Nariyan ang langit na nagsisilbi mong bubong bilang masisilungan, na makikinig sa lahat ng itinatago mong sikreto na nag-aalsa sa loob ng iyong puso. Habang sinusunog ng tirik ng araw ang iyong balat habang binabagtas ang kilo-kilometrong daan, magluluray ang sugat na hihiwa lalo sa abilidad mong magdamdam.

Nanggagaling ang lakas mo sa kaparusahang ipinapataw mo sa sarili dahil gusto mong takasan ang realidad. Ang kasalukuyan. Kaya’t kahit manlata sa ilalim ng tanghaling tapat, mas pipiliin mong kumawing sa kakapiranggot na ugnayang maaaring mag-angat ng pagtingin patungo sa wagas na pag-ibig.

Makinig ka sa sagitsit ng mga tuyong dahon at maliit na sanga pagsapit mo sa masukal na espasyo pagluwas mo ng siyudad at pagpanhik mo sa gubat. Salubungin mo ang init na ibinubuga sa iyo ng simoy ng Amihang payapa. Tulad nilang taimtim na nabubuhay sa gitna ng daluyong ng pagbabago, pakinggan mo ang isinusulsol sa iyo ng damdamin mong pumuputakti sa mga oras na ika’y mapag-isa para maghanap ng rason upang magpatuloy. Ang samyo nila’y kasingbusilak ng mga damdamin mong naghahalo-halo na sa balat ng tinalupan, ngunit magniniig ang pinakaprominente mong kahilingan na sana’y may mas makabuluhang pinag-aalayan ang iyong lakas.

Kanlungin mo lang ang mga damdaming ito habang may panahon pa, dahil sa oras na tumamlay ang mga bituing umaandap-andap sa abuhing langit tanda na nagsisimula na ang panibagong umaga, ang nangangaligkig na lamig ay mapapalitan na ng init na hindi mo pa nararamdaman kahit saan, kahit kailan. Kapagkaraka’y manganganinag lalo ang mga itinatago mong mithiin para sa iyong sarili at iyong pagpupunyagi bilang indibidwal na parating napagigitnaan ng magkasalungat na mga pamamaraan upang sunggabin ang iyong sarili.

Walang damdaming nasasayang. Walang danas na naitatapon. Sa mga susunod pang paghawi ng manibela at pagpadyak ng pedal upang umabante sa buhay pasulong, mas lalong tumitigas ang balat na pinuno na ng galis at bungang-araw at mas nagiging makapal ito: na nagmamarka na ang lakas ng isang taong tulad mo ay walang katapusan ilang beses mo man pagdaanan muli ang maraming hinahon o hagupit ng panahon.

Kaya’t matarik man ang daan paitaas ng bundok o paibaba ng gulod, ipadyak mo lang ang bisikleta palayo nang palayo hanggang marating mo ang pinakamalayong lugar na ‘yong narating sa tana ng ‘yong buhay. Nangangailangan man ito ng ubod tanging lakas, tandaan mo lang na walang ibang makapaghahatid sa iyo rito kundi ikaw at ikaw lamang: at bilang ikaw rin naman ang pinakamalaking sangkot sa iyong buhay, isipin mong ayos lang magpasakop sa sarili mong kalooban dahil tanging ikaw lang ang nakakaalam kung ano ang lubos na magpapasaya sa iyo.